Tutubi Chronicles

01 November 2017 – Mahalagang sangkap ng mistikong paniniwala nating ng mga pinoy ang agimat at anting-anting, lalo na sa mga kapatid nating sundalo at kapulisan. Marami ang nagbebenta nito kung saan saang sulok ng Pilipinas lalo na sa social media. May bisa nga ba ang mga ganitong bagay o isang masalimuot na ilusyon lamang at pantasya ng mga panatiko?

Ayon sa nagkaloob ng nilalaman ng medalyong nasa video ay ito raw ang taladro at susi ng tinatawag nilang JHS ng Virgen, madaming kwento ng kababalaghan ang sinabi ng nagbigay nito kaya na engganyo ang kasamahan naming si TB Jake upang subukan at mapatunayan ang katotohanan sa likod ng mga nasabing kwento. Gamit ang standard firearm issue na R4 ay ipinabaril ang naturang medalyon. Tunghayan sa video ang nangyari.

 

Ang TUTUBING BALISONG ay HINDI naniniwala sa mga agimat at anting-anting lalo na sa mga putol-putol na orasyong latin. Upang ipakita na mas mabisa ang karunungang buhat sa Maykapal ay sinalang ni TB Jake ang kapangyarihan ng 7 ESPIRITUS sa isang takip ng bote ng softdrinks. Ang kapangyarihan ay hindi nakukuha sa pamamagitan ng magagandang medalya, makukulay na drowing o mabulaklak na istorya. Tunghayan ang video sa ibaba.

 

Maigsi lamang ang ating buhay, huwag lalong paigsiin sa maling paniniwala…

Leave a comment