TM?

Hindi kaila na sikat sa usapin ng mga nahihilig sa temang spiritwal ang testamento ng Te Eme, paulit-ulit at pabalik-balik sa mga grupo ang usapang ito sa kadahilanang may mga kumalat na istorya at kwento na diumano ito ay hari ng milagro. Gaano nga ba ito katutoo?

Batay sa sariling pagsasaliksik, nasaksihan at mga nagdaang karanasan ay may ideya akong kayang ibahagi ukol sa usaping ito.

Sa kasalukuyan ay 2 ang kumpirmadong namatay sa mga kakilalang gumagamit ng testamentong ito, sudden organ failure. Parehong di maipaliwanag ng syensya medikal ang biglaang pagkamatay nila. Ang tanging common denominator ay ang palagiang pagtawag sa Te Eme.

Sa kasalukuyan pa ring panahon ay isang kaibigan ang lubusang nawala sa dating matinong kalagayan ng pag-iisip at humantong pa sa sitwasyon na ang kapamilya at mga malalapit na kaibigan ay inaway at nilayuan.

Isang kaibigan din ang nawalan ng matinong hanapbuhay dahilan sa madalas na pagkawala sa sarili at sariling katinuan. Madalas na nasusubo sa gulo sa trabaho, napapaaway sa kakilala at maging sa hindi kakilala. Nagkaroon ng pananakit sa ulo, palpitation ng puso, paninikip ng dibdib at hindi ordinaryong panginginig ng kalamnan, na di matukoy ng mga doktor ang sapat na dahilan.

Kasama sa pangunahing sintomas ng mga nagkaroon ng ugnayan sa espiritong ito ang mga sumusunod; sobrang laki ng tiwala sa sarili, mapanibughuin, sobrang taas ng pride at ego, at nagiging mapagduda sa kapwa tao at ultimo sa mismong kapamilya.  Kung patuloy na tatangkilikin ng tao ang espiritong ito ay unti-unting makakaramdam ng pananakit ng dibdib, magaan na pakiramdam sa ulo hanggang maging aburido, pagkakaroon ng sakit sa atay na maaring humantong sa pagsuka ng dugo at sa dagling kamatayan.

Sa aming spiritwal na pagsusuri, isa itong parasite spirit na may kakayahang sumira ng auric shield ng tao, at kapag “nakain” nya or naubos ang auric shield ay unti-unti ng kakapitan ng karamdaman ang tao dahil sa wala ng babalanse ng enerhiyang nakakasalamuha nya sa kanyang pang araw araw na pakikibaka sa buhay.  Ang aura ng tao ang pangunahing tumitimbang at nagsasala sa ibat-ibang uri ng enerhiya na dumadapo sa ating pisikal na katawan. Ang katawang pisikal ay pinaniniwalaang may pitong energy centers, sa ibang kultura tinatawag din itong chakra. Kapag nawala or bumaba na ang auric shield ng tao ay magkakaroong ang mga energy centers ng overloading, kaya nagkakasakit ang tao. Ang Te Eme ay may kakayahang pababain o tuluyang ubusin ang auric shield upang mapadali ang kamatayan ng tao sapagkat ang spiritu ng tao ang pinagkukunan nila ng lakas at kapangyarihan. Mahirap paniwalaan lalo sa ayaw maniwala. Hindi ito pananakot kundi isang pansariling misyong ispiritwal na ipaabot ko sa iba ang impormasyong ito upang kahit paano ay maisalba ang may gusto, at ang mapangahas ay mapaghandaan ang kanyang nalalapit na pamamaalam sa mundo.

Inilista ko rin ang mga kumalat na ibat-ibang klase ng testamento nito. May sadyang tamang paraan kung saan ito pwedeng gamitin ngunit una at higit sa lahat ay hindi ito para sa pangsariling kaligtasang pisikal at espiritwal. Nasa inyo pa rin ang pagpili ng inyong paniniwalaan at susundang aral, ang para sa akin ay akin ng nagampanan.

jkm024

1. 72 COELIS:

Ito ay isang klase ng kasa na pilit inihahawig ang paliwanag sa 72 Names Of God. May ibat ibang sangkap itong nakapaloob, sa itaas ang utang na sinuhayan ng dalawang poste ng Doble 13.

 

images-2

2. PARU-PARO ***(duplikado):

Maraming anyo ng tinimbang na sukat.  Idinibuhong paru-paro, nasusulat sa magkabilang pakpak ang Doble 13, meron ding pares ng 23, 33 at 38.  Ngunit sa bandang huli madidiskubre ng may ari na hindi pala ito kasing yumi ng isinasagisag na nilalang, sa halip ay mistulang bampirang paniki na sisipsip ng iyong katinuan at kalusugan. (ang tutuong testamento ng paru-paro ay walang te eme)

 

images

3. NUEVE/ATAY:

33 ang ulo at may humarang na 19 na nagiging 23 kadalasan. Kapag binaligtad ang porma ng testamento ay magmumukha itong atay na nakabitin sa loob ng katawan ng  tao. Tinawag din itong mananakop, magpasakop ka sa iyong sariling kapahamakan.

 

j5pnyhn

4. SATOR ***(duplikado):

Naglalaro kalimitan sa Doble 13 at minsan ay 23 at 33 din. Ang gitna ay daan ng KRUZ na kadalasang pagpapakuan ng mapangahas na nagtatangan.

 

casket-cross_27537

5. 1001 O DE KAHON:

Inihahawig sa 1001 Names of God, ang itaas ay krus na may nakasabit na Doble 13 sa paripa at may nagbabagong sangkap sa loob. Kapag nagkamali ang may ari ay shoot sa loob ng kahon.  6 ft. below the ground. Kahawig din ng 72 coelis.

devils_family_portrait_by_linnso-d4z4yqj

6. AHAHMY ***(duplikado):

Isang kasa na pilit hinahawig sa testamento ng Sagrada Familia. Sangkap ang 23 na pilit iniipit at niyuyurakan ang mga banal na Pangalan ng Dios upang kahit paano ay may magawang milagro. Salungat sa orihinal na testamento na bumubuo at nagpapatibay ng banal na samahan ng pamilya at sa halip ay nagdudulot ng pagkakawatak watak at pagkasira ng isipan ng may tangan nito.  (ang orihinal na AHAHMY  walang te eme)

 

thesatanictemple

photo credit: Satanic Church

7. Testamentong Solohan ng TM (walang pinakikinggang pondo)

A. TOUCH ME NOT 1 – Ang kapangyarihan ng dilim na nag-anyong ahas na nanunukso ng mga mapaghangad. Sumasabog ang bote at nawawalan ng ulirat ang bawat magtangka sa iyong buhay subalit may hangganan ang bilang ng pangakong kaligtasan. Sa kanyang kandungan ang iyong kahihinatnan, bilang kabayaran sa pinahiram na kapangyarihan.

B. TOUCH ME NOT 2 – Aba oo kruz yan pero kinulong sa loob ng ngalan ng hari ng kadiliman, hinarangan ng 13 tinik at ipinatong sa calis na itiniwarik.

***(duplikado) – iginaya sa orihinal…

Disclaimer:  Isinulat ko ang mga bagay na ito base sa aming natuklasan, naranasan, nasaksihan at patuloy na nararanasan. Wala akong intensyon na siraan ang sinuman sa kanilang nakagisnang pinaniniwalaan. 

Ang mga larawan ay malayo sa tunay na porma ng mga nabanggit na testamento upang maiwasan ang makopya at maging puhunan ng mga mahilig mag-imbento at magtinda ng mga testamentong may ganitong mga titulo, at magamit na panloloko sa mga walang ideya na naghahanap ng mga kagaya at kauri ng mga nabanggit ko.

Malagim na trahedya ang kakamtin ng mga mapagsamantala. Sumainyo nawa ang hagupit ng unos ng tadhana. 

D13

Leave a comment